^

PSN Palaro

Masagana ang 2009 sa SBP sa tulong ni MVP

-

MANILA, Philippines - Sa pagtatapos ng 2009, isang masiglang samahan ang siyang nailunsad ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Manny V. Pangilinan na siyang gumiya at gumawa ng mga panibagong hakbangin upang ibangon ang nasabing organisasyon.

Sa pamamagitan ng tulong ng PLDT at Smart chairman na si MVP, mas lalong naging ma-kabuluhan ang samahan kung saan muli nitong binuhay ang diwa ng naturang isport. Dahil sa kanyang pagkakaluklok, ito ang tinuturing na panguna-hing magandang produkto ng nakalipas na taon.

“As we look back and review the events which transpired in 2009, it is comforting to note that the tumultuous events which threatened the legitimacy of the SBP have now been largely resolved,” pahayag ni Pangilinan. “It is imperative that we put this behind us, and move forward in strength and resolve.”

Ang pagtatrabaho ng buong organisasyon ang nagbibigay lakas at humahatak ng positibong resulta kung saan nalilinang ang mga kakayahan ng mga manlalaro.

Hindi lamang sa Asian kundi maging sa buong mundo nakilala ang husay ng Pinoy sa larangan ng basketbol. Sa kasalukuyan, nasa ika-57 pwesto ang Pilipinas sa FIBA na kumalap ng pagtaas ng 2.7 ranking points magbuhat sa 63rd slot nito sa nakaraang taon.

Bunga ng maraming pagsasanay na pinagdaanan at mga sinalihang kompetisyon, nagawa ng Pinas na maging 5th placers sa 5th FIBA-Asia Champions Cup kung saan naging paborito ito ng mga manonood ng Iran sa Jakarta, Indonesia noong Mayo.

Gayundin, tumapos ang ating mga pambato sa 8th place para sa FIBA-Asia Men’s Championship sa Tianjin, China kung saan muling naghari ang grupo ng mga Iranian. Inani rin ng Pinas ang ikapitong pwesto sa FIBA-Asia Under-16 women’s championship, ikaapat sa FIBA-Asia Division II women’s championship, Under-16 men’s championship at sa Asian Youth Games.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni Serbian Rajko Toroman tinitipon ang mga mahuhusay na bagong usbong na manlalaro na syang sinasanay para sa pagsabak sa 2012 London Games.

 “As we look forward to the new year, we must believe that 2010 will represent the true test of all our efforts to date when our Smart Gilas team will perform starting with international competition in the Middle East this coming January, culminating in the Asian Games in Guangdong, China in November.These competitions are what will really count,” aniya.

Bukod sa mga nabanggit na ambag sa taong 2009, inaasahan rin ang paglaki ng grupo ng mga referees at national coaches sa susunod na taon. Hindi lamang ito, magbibigay rin ang SBP ng mga oportunidad para sa mga manlalaro sa tulong ng Smart Communications, PLDT, Unilab, International Pharmaceutical, Inc. at GMA-7.(SNFrancisco)

vuukle comment

ASIA CHAMPIONS CUP

ASIA DIVISION

ASIA MEN

ASIA UNDER

ASIAN GAMES

ASIAN YOUTH GAMES

INTERNATIONAL PHARMACEUTICAL

LONDON GAMES

MANNY V

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with