MANILA, Philippines - Nais nang tapusin ang lahat ng isyu tungkol sa dope test na siyang mala-king balakid sa inaasam na pinakamalaking laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
At upang mabigyan na ng linaw ang lahat, inatasan ng Neveda State Athletic Commission na dapat magsumite ng urine sa loob ng 48 oras ang Pinoy ring icon na si Pacquiao at Mayweather o maharap sa posibleng multa o suspensiyon ng komisyon.
"That at least starts the ball rolling," wika ni Keith Kizer, ang commission's executive director sa ulat sa Associated Press.
Ngunit nagbigay ng pahayag ang kampo ni Mayweather noong Lunes na ayaw umano ni Pacquiao magpakuha ng blood test sa pagitan ng 30 araw bago ang laban na siyang pinakamalaking balakid sa kanilang nakatakdang laban sa Marso 13.
"Let the record be clear: Manny Pacquiao and his promoter Bob Arum are threatening to walk away from the largest fight in history," pahayag ni Mayweather at ng Golden Boy Promotions.
Ngunit kamakailan, binigyan ni Arum ng ultimatum ang kampo ni Mayweather, ang huling alok na magpapakuha ng tatlong blood test sa bawat boxers ngunit wala sa usapan ang 30 days bago ang laban. Ipinahiwatig ni Pacquiao na takot itong makunan ng dugo sa pagitan ng 30 araw bago ang laban na maaaring magpahina sa kanya.
Kailangang magkaroon ng linaw ngunit nagbigay ng pahiwatig ang kampo ni Mayweather na sa programa ng HBO na 24/7 matapos ang preparasyon ni Pacquiao kay Ricky Hatton ay nagpakuha ng dugo ang Pinoy may 14 araw na lang bago nito pinabagsak ang Englishman.
May nakapagsabi din kay Richard Schaefer, promoter ni Mayweather na dahil doon, ang mga kinatawan ni Arum ay makikipag-usap kay Pacquiao upang madetermina kung papayag ito sa cutoff date ng blood testing malapit sa takdang araw o higit pa sa 30 araw bago ang laban.
"We were at two days (before the fight), and I assume Pacquiao is at 14 days," wika ni Schaefer. "Let's see if somehow there can be a compromise found that maintains the integrity of the tests. If that can be done in a manner acceptable to Pacquiao, I will take it to Mayweather's team."
Ang laban sa Marso 13 sa Las Vegas ang tinatayang pinakamalaking moneymaker sa kasaysayan ng boxing at sinabi ng walang talo na US star na si Mayweather na maaaring makatukoy sa substance na hindi makikita sa urine ang batayan sa parehas na laban ba-gamat, ang blood test ay hindi naman palagiang ginagamit sa boxing.
Plano na rin ni Arum na kapag hindi nagkasundo ang kampo ni Mayweather at Pacquiao, ihahanda na nito ang laban kontra naman kay dating welterweight champion Paulie Malignaggi na may basbas naman ni Pacquiao at magaganap sa Marso 13 din. (Dina Marie Villena)