MANILA, Philippines - Naging bwenas nga-yong taon, namayagpag si Mark Cardona sa aspeto ng scoring habang nanguna sa rebounding si Kelly Williams ngunit hindi rin matatawaran ang husay ni Arwind Santos na halos namuno sa lahat ng departamento para sa elimination round ng KFC PBA Philippine Cup.
Gayunpaman, nagpasikat rin sina Ronald Tubid, Willie Miller, LA Tenorio, James Yap, Jimmy Alapag, Kerby Raymundo, Dondon Hontiveros, Ryan Reyes na tumipa ng malalaking puntos, sapat upang kumandidato para sa Best Player of the Conference.
Tulad ni Santos, tu-mingkad rin ang kalibre ni Williams sa scoring at rebounding habang kabilang naman sina Miller, Tenorio at Alapag sa mga manlalarong humakot sa scoring at assists.
Sa lahat, si Cardona ang siyang tinanghal na scoring leader na nagtala ng average points ng 21.8 kada laro na sinundan ni Santos (18.2), Tubid (17.93), Williams (17.2), Miller (16.1), Tenorio (15.4), Yap (15.1), Alapag (14.7), Raymundo (14.5) at Hontiveros (14.07).
Bagamat nakapaglaro lamang ng limang laban sa torneo, bumandera pa rin ang 2008-09 MVP awardee na si Jayjay Helterbrand sa pamamagitan ng kanyang 6.2 average assist. Pumapangalawa naman sa kanya si Alex Cabagnot (5.9), Alapag (5.3), Jonas Villanueva (5.1), Joseph Yeo (4.7), Miller (4.54), Jason Castro (4.67), Ryan Reyes (4.62), Tenorio (4.1) at Johnny Abarrientos (3.8).
Para sa rebounding, pinamahalaan ng 2007-2008 MVP na si Williams ang rebounding nang hu-mablot ito ng 14.07 kada laban na sinundan ni Asi Taulava (10.3), Santos (10.2), Harvey Carey (9.5), Rafi Reavis (9.2), Dorian Peña (8.9), Gabby Espinas (8.0), JayR Reyes (7.78), Chad Alonzo (7.71) at JR Quiñahan (7.5).
Namuno rin si Ryan Reyes sa steals (2.07), habang para sa blocks ay si Ali Peek (1.7). Si Williams naman ang kinilala para sa 40.3 minutong tagal sa hard court.
Para sa two-point field-goal shooting (61.44 percent), lumutang ang pa-ngalan ni Cardona, si Mike Hrabak para sa three-point accuracy (46.30 percent) at si Tenorio sa freethrow clip (90 percent).
Ang limang manlalarong nangunguna ang syang magkakaroon ng tsansang sunggaban ang karangalan ng Best Player of the Conference.
Naiuwi na nina Helterbrand, Miller, Williams at Cardona ang naturang pagkilala subalit hindi pa ito naiuuwi ni Santos kahit na lagi itong nominado.
Magbabalik aksiyon ang liga sa Enero 6 sa Araneta Coliseum na magsisimula ng apoy sa pakikipagtipan Sta. Lucia kontra Rain Or Shine at Talk N Text laban sa Barangay Ginebra. (Sarie Nerine Francisco)