^

PSN Palaro

Mayweather handang makipagkompromiso kay Pacquiao

- Mae Balbuena -

MANILA, Philippines - Handang makipagkumpromiso ang kampo ni Floyd Mayweather Jr. ukol sa issue sa drug test ayon sa isang balita sa Los Angeles Times.

Papayag ang kampo ni Mayweather sa U.S. Anti-Doping Agency policy kung saan mananatiling magkakaroon ng blood test kina Mayweather at Manny Pacquiao sa bisperas ng kanilang laban na naka-schedule ng Marso 13.

"As long as there's a blood test, as long as there's a urine test and as long as it's random, a (specified) cutoff date is agreeable to us," sabi ng promoter ni Mayweather na si Richard Schaefer. "We're saying, 'We're OK,' and we hope Pacquiao (and his promoter and trainer)are OK."

Sinabi na ng promoter na si Bob Arum ng Top Rank na ayaw na tigil na ang negosasyon ngunit sa development na ito, inaasahang muling magkakaroon ng meeting ang magkabilang panig.

Sinabi ni Schaefer at ni USADA Chief Executive Travis Tygart na hindi magkakaroon ng epektibong anti-doping policy kung hindi papayag si Pacquiao na magpakuha ng dugo anu mang araw sa 30-day period bago ang inaaba-ngang megafight.

Hindi sinabi ni Schaefer kung paano gagawin ang drug testing.

Naghahanda na ng kaso si Pacquiao laban sa mga Mayweathers at sa Golden Boy Promotions dahil sa paninira sa kanya dahil sa pagpipilit ng drug testing na higit pa sa ginagawa ng Nevada State Athletic Commission.

Pumayag naman si Pacquiao na magpa urine at blood test ngunit tatlong beses lamang. Isa sa planong news conference sana sa Enero 6, isa bago ang gabi ng laban at isa pagkatapos ng laban.

Dahil sa isyung ito, natigil ang negosasyon at tila hindi na mangyayari ang laban dahil kinokonsidera na ng kampo ni Pacman ang ibang boxers na puwede nitong kalabanin.

ANTI-DOPING AGENCY

BOB ARUM

CHIEF EXECUTIVE TRAVIS TYGART

FLOYD MAYWEATHER JR.

GOLDEN BOY PROMOTIONS

LOS ANGELES TIMES

MAYWEATHER

NEVADA STATE ATHLETIC COMMISSION

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with