Kampanya ng Ginebra sa Philippine Cup may liwanag na
MANILA, Philippines - May nakikita nang liwanag si coach Jong Uichico sa kanilang kampanya sa kasalukuyang KFC PBA Philippine Cup na magpapahinga muna bago magbalik aksiyon sa Enero 6.
Nakakapag-ensayo na ng unti unti ang tatlong key players na na-injured na sina Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand at Junthy Valenzuela.
“They have been practicing with the team pero ang problema lang is trying to get them in game shape,” pahayag ni coach Jong Uichico matapos ang 106-97 panalo laban sa Coca-Cola kamakalawa na nagbigay kulay sa kanilang Pasko.” “Everything is on the positive side, pero hanggang di sila 100% di kami makabigay ng go signal.”
Nasa solong fourth place na ngayon ang Ginebra sa likod ng leader na Alaska (11-2), San Miguel Beer (12-3) at Talk N Text (10-5).
“We’ll take a few days break off and get back to practice and try improving,” ani Uichico “Hopefully next year we can have our injured players back.”
Tatlong laro na lamang ang natitira sa Ginebra at kailangang ipanalo lahat ito ng Ginebra upang magkaroon ng pag-asa sa top-two teams na bibiyayaan ng outright semifinal slot.
“We got 3 games na lang-- Talk N Text, Alaska and Burger King—three tough games ahead that we have to win…hopefully we can get through the semis and get outright to the finals,” ani Uichico. “Sana by that time makabalik na ang mga injured players namin. Hindi pa kasi sila nakaka-full practice.”
May nananakit sa mga tuhod ni Caguioa na hindi nakalaro noong nakaraang season matapos operahan ang mga tuhod nito. Sa tuhod din ang problema ni Helterbrand at Valenzuela.
Hindi nakalaro ang reigning Most Valuable Player na si Helterbrand sa walong games sa huling siyam na laro ng Ginebra at gayundin siCaguioa.(Mae Balbuena)
- Latest
- Trending