Orcollo sasabak sa Predator World Tour

MANILA, Philippines - Ang matikas na porma ang nais mapanatili ni Lee Van Corterza sa kanyang pagsabak sa 4th National Pool Championships sa Predator World Tour na nakatakda sa Enero 6-9 sa Lloret de Mar Girona, Spain.

Tinanghal na unang player na umiskor ng title sa Predator 10-Ball, dinaig ni Corteza ang reigning Predator 10-ball champion na si Dennis Orcollo, 9-7 sa semis bago iginupo si Rodrigo Geronimo.

Napagwagian din ng Davaoeño ang Derby City Classic 10-Ball challenge at tumapos ng runner-up sa World 10-Ball Championship at Derby City classic 9-Ball challenge. Pumangatlo din ito sa World Mixed Doubles at fourth-place sa US Open 9-Ball Championship.

Babanderahan ni Corteza ang kampanya ng bansa sa 1st WPA World Team Championship sa January 30 hanggang February 7, 2010 sa Germany.

Makakasama ni Corteza sa Nationals sina WPA 8-ball at 9-ball champion Ronato Alcano, Antonio Lining, Warren Kiamco, Marlon Manalo at Orcollo.

Pinili base sa kasalukuyan at international torneo ang mga miyembro ng team, ayon sa Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP). (SNFrancisco)

Show comments