Alexander handang labanan si Pacquiao
MANILA, Philippines - Kahit walang blood test, lalabanan ni WBC junior welterweight champion Devon Alexander si Manny Pacquiao ayon sa boxingscene.com.
Kung naging malaking issue ang blood test sa negosasyon para sa Manny Pacquiao, Floyd Mayweather megafight sa Marso 13 sana, hindi ito ‘big deal’ kay Alexander.
“ If Manny is on steroids or some other performance enhancing drugs, it will eventually come out,” ani Alexander.
Handang kalabanin ni Alexander ang WBC welterweight champion na si Pacquiao na gamit ang drug testing policies sa Nevada o kung saan man gaganapin ang kanilang laban.
Kung wala nang mangyayari sa negosasyon sa Pacquiao-Mayweather megafight, kalabanin na lamang ni Pacquiao si Mexican Juan Manuel Marquez, si American Paulie Malignaggi o si unbeaten Israeli Yuri Foreman, ang World Boxing Association super welterweight champion. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending