^

PSN Palaro

Pacquiao-Mayweather fight hindi na tuloy!

- Mae Balbuena -

MANILA, Philippines - Hindi na tuloy ang inaabangang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather megafight ayon sa mga balitang naglabasan sa internet.

Sinabi ng promoter ni Manny Pacquiao na si Bob Arum, na ang planong welterweight megafight ng Pinoy hero kontra sa walang talo na US star na si Mayweather ay hindi na tuloy dahil hindi magkatugma ang isang grupo sa drug testing.

Sinabi ni Arum sa Grand Rapids Press, ang dyaryo sa bayan ni Mayweather, na hindi magkasundo sa drug testing at sa kanyang palagay, hindi na matutuloy ang laban.

Ayaw talagang lumaban ni Mayweather kay Pacquiao kaya kinansela na niya ang negosasyon.

"We're going in a different direction. "What I believe is that Floyd never really wanted the fight and this is just harassment of Pacquiao. Floyd, to me, is a coward and he has always been a coward.

Not a physical coward, but a coward because he's afraid to face somebody who could beat him. And believe me, Manny Pacquiao could beat him. So he will go his way, we will go our way and that will be fine."

Matapos maresolba ang lahat ng mahalagang aspeto sa laban nagkaroon ng problema sa nais ni Mayweather na magsagawa ng World Anti-Doping Agency (WADA) doping test procedures imbes na ang karaniwang drug test na isinasagawa sa mga laban sa Las Vegas, 30-araw bago ang petsa ng laban na napagkasunduan na sa Marso 13 sa MGM Grand.

Hindi sa ayaw ni Pacquiao na sumailalim sa Olympic style drug testing na iginigiit ng kampo ni Mayweather kundi ayaw nitong magpakuha ng dugo na masyadong malapit na ang laban dahil takot itong makunan ng dugo at kung sino ang magsasagawa ng drug testing.

"We appeased Mayweather by agreeing to a urine analysis at any time and blood testing before the press conference and after the fight," sabi ni Arum. "Mayweather pressed for blood testing even up to the weigh-in. He knew that Manny gets freaked out when his blood gets taken and feels that it weakens him. This is just harassment and to me just signalled that he didn't want the fight."

Sa pahayag ni Arum noong Miyerkules, sinabi niyang pumayag si Pacquiao sa random urine test kahit na anong oras at blood test sa prefight news conference sa Jan. 6 sa New York at 30-days bago ang laban, isa bago ang laban at pagkatapos ng laban.

"It's not about being tested," ani Arum. "It's about who does the testing and the scheduling of the procedures. Manny will submit to as many random urine tests as requested."

Ayon kay Arum, ayaw ni Pacquiao na kuhanan siya ng dugo, kung kailan nais ng kampo ni Mayweather bago dumating ang araw ng laban at hindi maaaring isagawa ng US Anti -Doping Agency (USADA) ang tests na wala na sa kanilang alituntunin.

"USADA, under its guidelines, would have the right to administer random blood tests as many times as they want up to weigh-in day and that's ludicrous," ani Arum."If Mayweather Promotions and Golden Boy Promotions are sincere in creating 'a level playing field' as they stated in their release, our recommendations should put their minds at ease."

Pinalalabas ng kampo ni Mayweather na ayaw magpa-drug test ni Pacquiao na nagpapatunay ng kanilang akusasyong gumagamit si Pacquiao ng performance-enhancing drugs.

"I have already agreed to the testing and it is a shame that he is not willing to do the same. "It leaves me with great doubt as to the level of fairness I would be facing in the ring that night," ani Mayweather.

Nag-demand si Mayweather Promotions chief executive Leonard Ellerbe ng WADA-style testing sa December 12.

"Manny Pacquiao doesn't know anything about drugs. This is just typical nastiness by wise guys like Ellerbe and Mayweather,” ani Arum.Ayon kay Arum sinikap ng telecaster HBO na magkaroon ng kasunduan sa drug testing ngunit sila ay bigo.

Ayon kay Arum posibleng kalabanin na lamang ni Pacquiao si Mexican Juan Manuel Marquez,o si American Paulie Malignaggi o si unbeaten Israeli Yuri Foreman, ang World Boxing Association super welterweight champion.

AMERICAN PAULIE MALIGNAGGI

ARUM

AYON

BOB ARUM

LABAN

MAYWEATHER

PACQUIAO

TESTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with