^

PSN Palaro

Peñalosa aminadong mahirap kalaban si Morel

-

MANILA, Philippines - Aminado si Filipino world two-division champion Gerry "Fearless" Peñalosa na hindi magiging madali ang kanyang laban sa beteranong si Erik Morel ng Puerto Rico.

Ayon sa 37-anyos na si Peñalosa, hindi siya maaaring magkumpiyansa sa kanilang world bantamweight title eliminator ng 34-anyos na si Morel sa Pebrero 13, 2010 sa Las Vegas Hilton sa Las Vegas, Nevada.

"Marami nang experience si Morel. Magaling siya, kaya hindi ako puwedeng magkumpiyansa sa laban namin dahil hindi madaling kalaban si Morel," ani Peñalosa kay Morel.   

Ang mananalo sa naturang title eliminator nina Pe˜alosa at Morel ang siyang hahamon kay Mexican Fernando Montiel para sa suot nitong World Boxing Organization (WBO) bantamweight belt.

Nakatakda namang idepensa ng 33-anyos na si Montiel ang kanyang korona laban sa 21-anyos na si Filipino challenger Cico "Kid Terrible" Morales sa naturang "Pinoy Power/Latin Fury".

Dati nang inangkin ni Peñalosa ang WBO bantamweight belt matapos itong agawin kay Mexican Jhonny Gonzales via seventh-round TKO noong Agos-to ng 2007 sa Sacramento, USA.

Binitawan ni Peñalosa ang naturang titulo nang hamunin si Puerto Rican Juan Manuel Lopez para sa suot nitong WBO super bantamweight belt noong Pebrero.

Isinuko ni trainer Freddie Roach ang naturang laban sa tenth-round nang hindi na makaganti ang tubong San Carlos City, Cebu mula sa mga suntok ni Lopez.

"Hindi na ako bumabata, kaya bawat araw importante sa akin," ani Peñalosa, may 54-7-2 win-loss-draw ring record kasama ang 36 KOs kumpara sa 41-2-0 (21 KOs) slate ni Morel, sa posibleng pagreretiro niya sa world boxing sakaling muling mapasakamay ang WBO bantamweight crown. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ALOSA

ERIK MOREL

FREDDIE ROACH

KID TERRIBLE

LAS VEGAS

LAS VEGAS HILTON

LATIN FURY

MEXICAN FERNANDO MONTIEL

MEXICAN JHONNY GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with