^

PSN Palaro

Sa Las Vegas pa rin ang Mayweather-Pacquiao fight

- Mae Balbuena -

MANILA, Philippines - Ang MGM Grand ang napiling venue ng inaabangang megafight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather na napagkasunduan sa Marso 13 ayon sa isang impormante sa isang ulat sa boxing fanhouse.com.

"It's the MGM. It's definite," sabi ng source.

Mas malaki kasi ang kikitain kaysa sa $25million guarantee na inalok ng bilyunaryong si Jerry Jones para gawin ang inaaba-ngang laban sa Cowboy Stadium sa Texas.

Kinumpirma naman ni Bob Arum ng Top Rank sa isang artikulo sa examiner.com na nakapili na ng venue ngunit ayaw nitong tukuyin kung alin sa MGM at Cowboy Stadium ang napili.

“They have selected a site,” ani Arum patungkol sa kanyang stepson na si Top Rank president Todd duBoef na kumakatawan kay Pacquiao sa negosasyon at Richard Schaefer para kay Mayweather.“But I can’t say a word other than that.”

Bagamat walang malinaw na detalye sa alok ng MGM na pinagdausan ng malalaking laban nina Mayweather at Pacquiao, hihigitan ang $25 milyong alok ni Jones sa plano ng MGM.

Nakaplano na ang press conference sa Jan. 6, sa New York at sa Los Angeles sa Jan. 8, sabi pa ng source.

Nagkasundo na sina se-ven division winner Pacquiao, (50-3-2, 38 knockouts) at five-time champion at undefeated na si Mayweather (40-0, 25 KOs) sa 50-50 financial split, at sa 147-pound limit, eight-ounce gloves, at Olympic-style random drug test sa kahilingan ng kampo ni Mayweather.

Noong nakaraang linggo, lumabas sa Los Angeles Times na mag-gegenerate ang MGM Grand ng $28 million sa live-gate sales, nag-alok ng 40,000 closed-circuit seats sa pamamagitan ng MGM/Mirage properties, at sisingil ng $100 bawat tao para sa posibleng $4 million surplus – na may kabuuang $32 million.

Pagkatapos ng news conference, inaasahang magsisimula na ng training ang dalawang boxers.

Si Pacquiao na nagdiwang ng kanyang ika-31 kaarawan noong Biyernes lamang ay inaasahang magsasanay muna ulit sa Baguio tulad ng kanyang preparasyon sa kanyang huling laban kay Miguel Cotto bago tapusin ang kanyang training sa Wild Card gym ng kanyang trainer na si Freddie Roach sa Los Angeles.

Ang 30-gulang na si Mayweather ay magsasanay sa sarili nitong gym sa Las Vegas.

BOB ARUM

BUT I

COWBOY STADIUM

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

JAN

LOS ANGELES

MAYWEATHER

PACQUIAO

TOP RANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with