^

PSN Palaro

RP delegation nakisaya sa send off rites:'Goodbye laos,see you in Indonesia'

- Ni Gerry Carpio -

VIENTIANE--Sa gabing puno ng sayawan at musika na nagtatam­pok sa mayaman ni­lang kasaysayan at pag­lalak­bay patungo sa ka­unla­ran, libu-libong ka­bataan ang nakipag-isa sa mga delegasyon pa­ra sa send off rites ng 25th Southeast Asian Games dito.

­Nakipagsaya ang halos bulto ng Philippine con­tingent sa naturang two-hour celebrations na dinaluhan ng halos 3,000 atleta mula sa host at 10 pang miyembro ng SEA Ga­mes.

Nakipagpalitan ang overall champion Thailand ng uniporme at pins sa East Timor matapos ang 10 araw na sports com­petition.

Pormal nang ipinasa ng Laos sa Indonesia ang SEAG flag para sa ka­nilang pamamahala sa susunod na biennial event.

Sa kanilang panga­ngasiwa noong 2007, humakot ang Thailand ng 183 gin­tong medalya, halos kalahati ng naibulsa ng 10 pang bansa.

Kumolekta ang Vietnam ng 158 gold me­dals sa kanilang pangangasiwa sa SEA Games noong 2003, samanta­lang 113 na­man ang inangkin ng Pi­lipinas nang t­uma­yong punung-abala noong 2005 para sa overall crown.

Sa 2009 SEA Games, nag-uwi ang Thailand ng 86 ginto kasunod ang 83 ng Vietnam, 43 ng In­donesia, 40 ng Malaysia at 38 ng Team Philippines.

Halos 70 porsiyento ng mga gold medals ng Thailand at Vietnam ay nanggaling sa paborito nilang martial arts.

Sa boxing event, dinomina ng mga Thais, pinaratangan na nandaya nang makasikwat ng 15 sa kabuuang 16 gin­tong medalyang na­ka­latag noong 2007, ang pito sa 10 weight di­vision sa ilalim ng isang Cuban coach.

Nakasingit naman ang Pilipinas ng limang gold medals.

“I am impressed with performance of our boxers,” wika ni bo­xing president Ricky Vargas. “With our program in place we will be able to fight the Thais head on.”

Kabuuang 14 ginto naman ang kinuha ng Thailand sa athetics at tig-anim sa muay thai at taekwondo bukod pa sa 10 sa shoo­ting, 2 sa tennis at 14 sa swimming.

Ang Vietnam ang na­mahala sa judo (9), pencak silat (6), wrest­ling (7) at wushu (7).

ANG VIETNAM

EAST TIMOR

KABUUANG

KUMOLEKTA

NAKASINGIT

NAKIPAGPALITAN

RICKY VARGAS

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with