MANILA, Philippines - Bunga nang lumalaking negosyo nito, mas pinili ni president Mikee Romero na bumaba sa pwesto bilang pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (ICFP) o PhilCycling at pormal na magbitiw sa pamamagitan ng pagpapasa nito ng sulat kay Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. upang lalong bigyang prayoridad ang kanilang mga business.
“It is with deep regret that I tender my resignation as PhilCycling President, effective December 18, 2009,” pahayag ni Romero na personal na binigay ng kanyang assistant na si Erick Arejola. “With my load work now, it is difficult for me to handle my responsibilities as PhilCycling president with the same passion and energy as before. They (cyclists) are close to my heart but it’s unfair to them if I could not give them enough time knowing how they have trained and fought for flag and country,” dagdag pa nito.
Bukod sa Harbour Centre, hinahawakan rin ni Romero ang Manila North Harbour Port, Inc. (MNHPI) at Pacifica, Inc.maliban pa sa pag-aari nito sa Philippine Patriots sa ASEAN Basketball League (ABL).
Ngunit kahit na wala na ito sa posisyon, ipagpapatuloy ni Romero ang kanyang papel bilang “Godfather” ng mga siklista na gumastos ng humigit kumulang P5 million para sa mga pagsasanay, tryouts, training at pakikilahok nito sa Philippine team na lumipad para irepresenta ang Pinas sa Laos SEA Games.
Hinubog rin nito si Fil-Am Jeremy Moore upang mapalakas ang pag-asa sa SEA Games subalit sawing lumaban nang pagbawalan ito.. “Sayang, we could have won at least four golds,” panghihinayang ng dating Pangulo.
Si group executive vice president Ricky Cruz ang siyang hahalili sa kanyang naiwang pwesto. (SNF)