MANILA, Philippines - Habang ipinagdiriwang ang ika-31st kaarawan ni Manny Pacquiao sa General Santos City, isa namang pagkilala ang ibinigay sa kanya na may malaking halaga.
Ayon sa boxing fanhouse.com inihayag ng Time Magazine na ang seven division world champion na si Pacquiao ay kabilang sa Top 25 People Who Mattered sa taong 2009.
Ang kandidato para sa Kongreso na si Pacquiao ay nasa likod lamang ng United States’ first African American president na si Barack Obama.
“For Manny Pacquiao to even be mentioned on the list of the most influential people of 2009 is a great tribute to this young man,” sabi ni Bob Arum, ng Top Rank, Pacquiao’s promoter. “And it’s something that I’m very, very happy for him about and that he should be very, very proud of.”
Sa cover ng magazine’s cover ay ang Person Of The Year na si Ben Bernanke, ang 56-gulang na chairman ng Federal Reserve.
Kamakailan lamang, kinilala rin si Pacquiao bilang World’s Greatest Ever Featherweight. At pumangalawa ito kay Sugar Ray Robinson para sa Worlds Greatest Boxer Ever sa botohang isinagawa ng HBO sa lahat ng boxing fans sa buong mundo.
Nanguna rin si Pacquiao sa botohan sa HBO bilang Boxer of the Decade at nanomina bilang Athlete of the Year ng US Sports Academy.
Naging cover si Pacquiao ng Asian edition ng Time Magazine, na-feature sa The New York Times at sa ESPN’s Body Issue. (Mae Balbuena)