VIENTIANE, Laos--Impresibong pinadapa ni Mark Eddiva si Tin Lin Aung ng Myarmar, 2-0 para sa gintong medalya sa 65 kgs. event kasunod ng naunang ginto ni Mariane Mariano na opisyal ng inilista sa medal tally ng wushu competition sa 25th Southeast Asian Games dito.
Kagabi pa lamang ay alam na ang gold ni Mariano ngunit hindi pa naging opisyal hanggang kahapon ng umaga kung saan hinintay munang matapos ang lahat ng finals para maging pormal ang lahat.
Bukod sa dalawang ginto, ang tanging naimbag ng wushu artists, hindi rin matatawaran ang dalawang silver mula kina Mary Jane Estimar at Benjie Rivero, sa 52 at 56 kgs. Class.
Hindi naging masuwerte ang wushu artists kung hindi inabot ng kamalasan ang ilang players.
Bronze lamang ang kinana ni Rhea May Rifani na nadulas at na-twist ang sakong na sinamantala ng kanyang kalabang Thai na si Chutdai Chaimala noong Martes.
Ang iba pang medalist sa wushu ay sina Jessie Aligaga (bronze, under 48kg), Denver Labrador (bronze, under 60kg) at Daniel Parantac (bronze, taijiquans/taijian).
“Happy ako sa performance ng mga bata,” ani Julian Camacho ng wushu. “Sa sanshou lang, pito ang dinala ko, pitong medalya din ang nakuha, kasama dalawang golds.