VIENTIANE, Laos–Kung paano sila dumating sa bansang ito, ganun din ang kanilang pag-alis.Hati sa dalawang grupo.
Sa pagtatapos ng 25th Southeast Asian Games ngayon, magkaisang lilisanin ng mga atleta sa kanilang puso ang Laos na walang kapanig ng nag-aaway na Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.
Nakatakdang umalis ang unang grupo ngayon kung saan kabilang ang may 150 atleta, coaches at officials na dala ang leksiyon mula sa kanilang kabiguan at tagumpay.
Ang nalalabing delegasyon naman ay aalis sa Sabado.
“Halo-halo na ito. Depende sa kung sino ang gusto nang umuwi” wika ni chief de mission Mario Tanchangco, na kasama sa Sabadong aalis dahil kailangan nitong maiwan para sa closing ceremony. “Hindi na importante dito kung PSC or POC ka, basta kailangan umuwi tayo as part of Team Philippines.”
Maliban sa ilang event na gaganapin ang finals ngayong umaga tulad ng sa tennis, petanque, sepak takraw at shooting, ang lahat ng 215 sports na sinalihan ng Team Philippines ay nalusutan na ang 32 gintong medalyang prediksyon ni PSC chairman Harry Angping.
“I congratulate them for proving me wrong on my projection. The resiliency and fighting spirit of the Filipino athletes have been shown once again,” wika ni Angping. (DMVillena)