RP inulan ng walo pang ginto
VIENTIANE, Laos – Umulan ng walong gintong medalya sa lugar ng Team Philippines na nag-usad sa kanila pataas sa medal standing sa penultimate day ng 25th Southeast Asian Games dito.
Binanderahan ng mga boksingero na sumuntok ng dalawang ginto, 2 rin sa wushu at 2 rin sa wrestling ang naging gabay ng Pilipinas para sa kanilang pag-usad.
Sinuntok nina Bill Vicera at Charly Suarez ang gold makaraang dominahin ang ginto. Tinalo ni Vicera ang kanyang kalabang Laotian na si Sikham, 6-3 habang naging dominante naman si Suarez na pinatigil si Phai Sophat sa ikalawang round.
Ayaw papigil na hindi sundan ang yapak ng bawat isa, dinuplika ni Jimmy Angara ang gold performance ng kapatid na si Margarito noong Huwebes na sinundan naman ng isa pang gold ni Jason Balabal para sa dalawang gold medal sa pagtatapos ng wrestling sa Booyuong Gym sa National University.
Kinuha ni Angana, ang gold medal nang igupo niya si Vietnamese Bui Tuan Anh, Singaporean Aloysius Chua, Indonesian Ardiyansah Darmawa at Thai Pitchaipusit sa five-man category.
Nasa unang sabak sa SEA Games, sinungkit ng 23-anyos na si Balabal ang gold makaraang igupo ang mga kalaban na sina Cambodian Dorn Saov, Thailand Surachet Kwannai at Singaporean Gabriel Yang.
Bukod sa 3 golds, kumuha rin ng dalawang silver mula naman kina Paulo Delos Santos at Michael Baliten at 3 bronze na sina Maribel Jamora, Melchor Tumasis at Roque Mana-ay ang Pinoy wrestlers sa pagtatapos ng kanilang event.
“Very happy po kami at na-validate ang pagiging nandito namin,” wika ni wrestling association head Albert Balde sa kanyang 11-member team.
Isang gold din ang nakasiguro sa tennis men’s singles kung saan nakatakdang magharap sina Cecil Mamiit at Treat Conrad Huey sa all-Pinoy finals.
Lalaban din para sa gintong medalya sina Mamiit at Huey ngunit nakaharang sa kanilang landas ang kambal na sina Sonchai at Sonchat Wiripat na tiyak na maghihiganti sa kanilang kabiguan sa men’s event. (Dina Marie Villena)
- Latest
- Trending