Wang's Ballclub kampeon

MANILA, Philippines - Tinapos na ng Wang’s Ballclub ang kanilang apat na taong tagtuyot sa korona matapos na maisubi ang korona sa 2009 MBL Invitational Cup basketball tournament.

Sa pangunguna ni dating PBA player Biboy Simon, tinalo ng Wang’s Ballclub ang Zycare Pharma-Univer­sity of Manila,90-75 sa kanilang winner-take-all title showdown sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Nagpasbaog si Simon ng game-high 30 points, kabilang ang limang tatlong triples upang pangunahan ang Mandaluyong-based team sa korona sa season-ending tournament na ito na hatid ng Smart Communications, Dickies Underwear, PRC Managerial Services, Jose’s Chicken Inasal, Santillan Beach Resort-Cebu at Big Boy Restaurant.

Ang Fil-Am na si Anthony Cuevas ang hinirang na Most Valuable Player ng tournament.

Tatlong iba pang pla­yers sina--Joshua Manthe, Romer Diaz and Mario Reyes ang umiskor ng double figures para sa Wang’s Ballclub na nakopo ang ka­nilang kauna-unahang ko­rona sa torneo.

Show comments