^

PSN Palaro

TIP may tiket na sa semis

-

MANILA, Philippines - Naglabas ng mahusay na laro sina Rapo Garcia at American student na si Will­iams Porter sa endga­me upang dalhin ang Technological Institute of the Philipines Engineers sa 96-83 pana­naig kontra sa Colegio Sta. Mo­nica Cougars kahapon sa 17th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament.

Ginamitan ng Engineers ng matibay na depensa sa loob ang Cougars upang su­pilin ang ilang ulit na tang­kang pagbangon nito at ipos­te ang kanilang ikapitong panalo matapos ang wa­long laro sa sarili nilang court sa TIP-Casal gymnasium sa Quiapo, Manila.

Tumapos lamang si Garcia, kasalukuyang nagpapagaling mula sa tinamong hiwa sa kaliwang kilay sa na­karaang laban nila kontra sa Olivarez College Sea Lions nitong nakaraang linggo, ng 5 puntos lamang kab­ilang ang krusyal na drive mula sa assists ni Andrew Arcadio may 1:43 ang nalalabi sa laro.

Ang basket na iyon ni Gar­cia ang naghatid sa Engineers ng 84-81 pangu­nguna at lumapit sa benta­heng twice-to-beat sa kanilang pakikipaglaban sa pu­mapangalawang Rizal Technological University Blue Thunder na may taglay na 6-1 win-loss slate.

Nauna rito, nagsalpak si Imelda Paz ng 23 puntos upang igiya ang Rizal Technological University Lady Thunder sa 83-44 paglampaso sa Emilio Aguinaldo College-Dasmariñas sa women’s side sa cagefest na ito na suportado ng Mikasa at Molten Balls. (Sarie Nerine Francisco)

ANDREW ARCADIO

COLEGIO STA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE-DASMARI

IMELDA PAZ

MOLTEN BALLS

NATIONAL CAPITAL REGION ATHLETIC ASSOCIATION

OLIVAREZ COLLEGE SEA LIONS

RAPO GARCIA

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY BLUE THUNDER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with