^

PSN Palaro

Alcano, Amit tumumbok ng ginto

-

VIENTIANE, Laos- –Nagningning din ang billiards makaraan ang nakakadismayang kabiguan ng mga paboritong sina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django” Bustamante nang dalawang gold ang sinargo kahapon sa dinumog sa Convention Hall ng Don Chan Palace hotel sa billiards and snooker event ng 25th Southeast Asian Games dito.

Noong Linggo ng gabi nakasiguro na ng gold sa 8-ball men’s event nang itakda nina world champion Ronnie Alcano at Gandy Valle ang kanilang all-Pinoy showdown kung saan naisukbit ni Alcano ang gold sa pamamagitan ng 7-1 tagumpay kay Valle.

Bago ang kanilang pagtatagpo sa semis, tinalo ng 37-anyos na si Alcano si Dechawat Poomjaeng ng Thailand, 7-3 habang pinabagsak naman ni Valle si Indonesian Ricky Yang, 7-1.

“Pareho kaming masaya. Kahit naman sino sa amin ang manalo OK lang, basta huwag lang ma­ka­wala itong gold sa Pilipi-nas,” nakangiting wika ni Alcano.

Makalipas naman ang ilang oras, tinumbok ni Rubilen Amit ang gintong   medalya makaraang sarguhin si Indonesian Angeline Ticoal, 5-1.

Inaasahan pa ang pag­hakot ng 15-man billiards and snooker team sa pagtumbok nina Dennis Orcollo at Ramil Gallego sa men’s 9-ball singles at Amit at Iris Ranola sa women’s 9-ball singles.

Patuloy naman ang pagsemplang ni Reyes nang matalo ito kay Moh Loon Hong ng Malaysia, 3-1 sa prelims ng English billiards single gayundin si Reynaldo Grandea na nabigo naman Ngyuen Trung Kien ng Vietnam, 3-0. (   Dina Marie Villena)

ALCANO

CONVENTION HALL

DECHAWAT POOMJAENG

DENNIS ORCOLLO

DINA MARIE VILLENA

DON CHAN PALACE

GANDY VALLE

INDONESIAN ANGELINE TICOAL

INDONESIAN RICKY YANG

IRIS RANOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with