Ateneo may pinatunayan sa collegiate leagues
MANILA, Philippines - Isang laban na punum-puno ng tensyon ang natunghayan para sa agawan ng titulo sa pagitan ng Ateneo at Far Eastern University kahapon nang durugin ng reigning UAAP champion ang karibal sa pamamagitan ng 74-70 panalo para sa huling laban ng Philippine Collegiate Champions League kahapon sa Ynares Sports Arena, Pasig City.
Sinulit ang kanyang huling taon ng paglalaro sa liga, binuhos na lahat ni Jai “Dynamite” Reyes ang buong lakas nito upang muling ihatid ang koponan sa kampeonato. Nagsubi ng ito ng 17 points , kinilala ng liga ang kakayahan nito nang hirangin ito bilang Most Valuable Player of the Year.
Sa tulong ng magilas na galaw ni Eric Salamat, napanatili nito ang kalamangan ng Blue Eagles subalit naputol ito nang bumirada ng tres si Paul Sanga at hatakin ang abante pabor sa FEU Tams.
Nagkaroon ng pagkakataong dominahin ang laban, masyadong nagmadali ang grupo at nanggigil kung kaya’t nagkaroon ito ng sunud-sunod na foul. (SNF)
- Latest
- Trending