MANILA, Philippines - Si Manny Pacquiao ang nanguna sa ginawang botohan ng HBO para sa best fighter ng dekada, ayon sa examiner.com.
Nakakuha si Pacquiao ng seventy-nine percent sa mga respondents kung saan tinalo niya si Floyd Mayweather Jr., na nakakuha lamang ng 15% sa mga bomoto.
Si Manny Pacquiao ay may 23 wins, 1 loss at 2 draws, 20 nito ay KO. Tinalo niya sina Hall of Famers Marco Antonio Barrera, Erik Morales, Oscar De La Hoya at Juan Manuel Marquez, bagamat kontrobersiyal ang kanyang panalo kay Marquez. Huli niyang tinalo sina Miguel Cotto at Ricky Hatton.
Sa nakaraang buong dekada, si Mayweather ay undefeated at nagtala ng record na 18 wins at may 8 stoppages. Sa 18 wins kabilang ang 8 title defenses at 5 title wins. Hinarap niya sina Hall of Famer boxers Oscar De La Hoya at Juan Manuel Marquez, at borderline candidates Diego Corrales, Jose Luis Castillo at Ricky Hatton. Tinalo din niya sina Zab Judah, Jesus Chavez at Carlos Hernandez.
Si Manny Pacquiao ang Fighter of the Decade ng proboxing.com dahil mas madami siyang nagawa kaysa kay Mayweather sa nagdaang dekada.
Lumaban siya sa mas madaming weight classes kung saan meron siyang world record na seven titles sa iba’t ibang divisions.
Mas madami siyang tinalong Hall of Fame caliber fighters sa impresibong panalo.
Sa likod nito, hindi kumbinsido ang proboxing.com na tatalunin ni Pacquiao si Mayweather.