^

PSN Palaro

Nagbunga ang paghihintay

-

VIENTIANE – Huli man daw at magaling, ginto pa rin!

Matagal na naghintay ang lahat. Gayunpaman, nasulit naman ang lahat ng paghihintay kahit inabot na ng alas-10 ng gabi  (alas-11 sa Manila) bago natapos ang laban.

Tumataginting na gintong medalya ang naging kapalit ng sakripisyo ng la­hat.

Hindi tinantanan, pi­nag­tulungan nina Fil-Am Treat Conrad Huey at Cecil Mamiit ang mga Thais upang mailista ang 2-1 panalo para sa nag-iisang gold medal kahapon.

Ngunit hindi naging madali para sa mga Pinoy na maisukbit ang ginto, nang maghiganti si Danai Udomchoke kay Mamiit, 6-4, 6-2, sa second singles makaraang magwagi naman si Huey kay Kittiphong Wachiramanowong, 1-6, 6-1, 7-5 para sa 1-1 pagta­tabla.

Nagsimula ng alas-2 ng hapon dito (alas-3 sa Manila), tinapos ng tambalang Mamiit at Huey ang kambal na sina Sanhai at Sonchat Ratiwatana, sa paluang umabot ng dalawang oras bago nailista ang 4-6, 6-3, 7-6 tagumpay.

Gayunpaman, nasulit ang lahat ng pahalaga ang gold na kanilang naisukbit dahil yun lang ang gold na nailista para sa bansa. (DMVIllena)

CECIL MAMIIT

DANAI UDOMCHOKE

FIL-AM TREAT CONRAD HUEY

GAYUNPAMAN

HUEY

HULI

KITTIPHONG WACHIRAMANOWONG

MAMIIT

MATAGAL

SONCHAT RATIWATANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with