MANILA, Philippines - Anim na araw sa isang linggo at tatlong beses na sparring session bawat linggo.
Ito ang ginagawang paghahanda ni Donnie “Ahas” Nietes para sa kanyang pang apat na sunod na pagdedepensa sa kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) minimumweight crown laban kay Mexican challenger Ivan ‘Polito’ Meneses.
Nakatakda ang laban ni Nietes kay Meneses sa Enero 23 sa 2010 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Kasalukuyang ibinabandera ni Nietes ang kanyang 25-1-3 win-loss-draw ring record kasama ang 14 KO’s, samantalang taglay naman ni Meneses ang 14-5-1 (8 KOs) slate.
Nasa kanyang pangalawang buwan na ng kanyang pag-eensayo si Nietes, dalawang ulit na nanalo sa Mexico City sa kanyang laban kina Erik Ramirez at Manuel Vargas, sa ALA Boxing Gym sa Nasipit, Talamban, Cebu City.
Kabilang sa mga naging ka-sparring ni Nietes, mas maliit kay Meneses, ay sina Rocky Fuentes, Milan Melindo at Marjun Yap.