^

PSN Palaro

Mabigat ang hamon kay Pacquiao--Roach

-

MANILA, Philippines - Kailangang mag-iba ng estilo si Manny Pacquiao para sa kanyang nakatakdang laban kay Floyd Mayweather Jr., na ba­­gamat inaayos pa   sigurado na itong magaganap sa Marso 13 ayon sa CountNews.

Ito ang sinabi ni Fred­die Roach ang trai­ner ni Manny Pacquiao na nagkumpirma ring pumirma na si Pacquiao sa kontrata at to­toong nagkasundo na sa gloves na gagamitin, na paglalabanan ng WBC welterweight belt ni Pacquiao at sa hatian sa kita.

“It's a difficult fight, it's the most difficult sty­le for us to go against because he is a runner and a counter pun­cher. We will go to camp and we will make some changes, we will set traps­ for this guy,” ani Roach.

Sabik na si Roach para sa laban na wala pa ring venue hanggang ngayon at sinasabi niyang mabigat na hamon ito para kay Pacquiao.

Samantala, biglang na­wala sa eksena ang Dallas Cowboy stadium bilang venue ng Pac­quiao-Mayweather Jr., megafight nang biglaang magkansela si ­Golden Boy CEO Ri­chard Schaefer na kumakatawan para kay Mayweather para sa negosasyon ayon sa ESPN.com

Kinabukasan na ang nakatakdang tour sa $1.3 billion na 80,000 seater Cowboy stadium kasama si HBO Sports president Ross Greenburg kung saan naka­takda nilang kusapin ang Dallas Cowboys ow­ner na si Jerry Jones nang makatanggap ng tawag si Top Rank Chief Bob Arum, ang promoter ni Pacquiao, mula kay Schaefer.

“Richard called me last night and said he won’t go to Texas,” ani Arum. (MBalbuena)

DALLAS COWBOY

DALLAS COWBOYS

FLOYD MAYWEATHER JR.

GOLDEN BOY

JERRY JONES

MAYWEATHER JR.

PACQUIAO

ROSS GREENBURG

SCHAEFER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with