^

PSN Palaro

Ateneo naunahan ng FEU sa Game One

-

MANILA, Philippines - Nagningning si RR Garcia nang paamuhin ng Far Eastern University ang Ateneo, 75-70, para sa nalalapit na pagtatapos ng Philippi­ne Collegiate Champions League saYnares Sports Arena sa Pasig City.

Ang 5’10 na ipinagmamalaki ng Zamboanga city, ang humatak ng 10 puntos sa kanyang game-high na 22-puntos upang banderahan ang Tamaraws sa 1-0 abante ng kanilang best-of-three titular showdown at makalapit sa pangalan bi­lang pinakamalakas na koponan sa collegate level.

Bumangon mula sa nakakadismayang season ng UAAP, itinakda ng Tamaraws ang Game 2 ngayong alas-3:30 ng hapon.

Gayunpaman, bitbit ang buong pag-asa at determi­nasyon bilang hari ng UAAP, hindi papayag ang Blue Eagles na basta-basta ma­kakawala ang  kanilang pi­nanghahawakan titulo sa sa UAAP at paninindigan ang titulo at mapatunayan si­la ang pinakamagaling sa buong kolehiyo.

At kapag nagawa nila ito, ang game three ay magaga­nap sa Linggo.

Isa na namang kapana-panabik na clutch game ito para kay Gar­cia, na sumi­ngasing sa kanyang 10 pun­tos sa kabuuang 28 puntos sa kanilang 86-83 panalo sa NCAA titlist San Sebastian College na nagbigay sa kanila ng karapatang ha­­rapin ang Ateneo, na uma­­tras sa torneo upang ituon ang sarili sa pag-aaral at puwesto sa Smart Gilas team. 

Nauna rito, humatak ng lakas ang San Beda College sa ibang players sa pagkawala ng kanilang sandata upang sorpresahin ang NCAA titlist Stags, 91-85 upang isubi ang ikatlong puwesto. (SFrancisco) 

ATENEO

BLUE EAGLES

COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE

FAR EASTERN UNIVERSITY

PASIG CITY

SAN BEDA COLLEGE

SAN SEBASTIAN COLLEGE

SHY

SMART GILAS

SPORTS ARENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with