Arum, Schaefer magsasagawa ng survey sa Dallas Cowboys stadium
MANILA, Philippines - Seryosong kinokonsidera ang Cowboys Stadium sa Dallas Texas na venue ng megafight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
Nakatakdang i-survey ng mga promoter na sina Bob Arum at Richard Schaefer ang bagong Dallas Cowboy stadium kasama sina HBO Sports president Ross Greenburg.
Inaasahang ihahain ni Jerry Jones ang kanilang proposal para i-host ang laban ayon sa isang taong may kinalaman sa promotion.
Sa katunayan seryoso ang Cowboys team owner na si Jerry Jones na i-host ang pinakaaabangang laban ng dalawang maiinit na boxers sa ngayon at handa itong gawin ang lahat para ganapin sa kanyang 80,000-seater stadium.
“We are still desirous of looking at what we can do,” ani Jones na ilang beses nang kinausap si Bob Arum ng Top Rank ukol sa pagho-host ng laban.
Gayunpan, kinokonsidera pa rin ang New Orleans Superdome at ang Las Vegas.
Nagbi-bid pa rin ang MGM Grand na pinag-dausan ng huling malalaking laban nina Pacquiao at Mayweather.
May panukala ring temporary outdoor stadium sa Las Vegas Strip.
Base sa mga huling kalkulasyon ng mga boxing experts, inaasahang mahigit sa $50 milyon ang kikitain ni Pacquiao.
Kung tatanungin si Pacquiao at ang kanyang trainer na si Freddie Roach, nais nilang gawin ang laban sa Las Vegas kung saan idinaos ang kanyang mga laban.
Dahil dito, may implikasyong umuusad ang negosasyon ng magkabilang panig at inaasahang magkakaroon ng press conference sa New York sa January 6 upang pormal na ihayag ang mga detalye ng laban sa Marso 13. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending