^

PSN Palaro

Barako Bull dumapa sa Purefoods, Yap bida

-

MANILA, Philippines - Maagang humataw ang Purefoods upang mag­poste ng 21-puntos na kalamangan na hi­na­yaan lamang nilang ma­ubos sa ikaapat na quarter.

Mabuti na lamang at gumana ang depensa ng TJ Giants sa hu­ling bahagi ng labanan upang mapreserba ang panalo, 70-66 kontra sa magiting na naki­pag­labang Barako Bull sa pag-usad ng KFC PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum ka­gabi.

Nanguna si James Yap para sa Purefoods sa pagkamada ng 18-pun­tos, walo nito sa ika­apat na quarter para sa kanilang ikaapat na su­nod na panalo na nag­kaloob sa kanila ng solong ikatlong puwesto taglay ang 8-4 kartada.

Matapos humataw sa unang quarter na kanilang tinapos sa 21-9 ka­lamangan, lumayo ang Purefoods sa 32-11 sa kasagahan ng ika­lawang quarter.

Ngunit unti-unting nag­bangon ang Bara­ko Bulls na nagawang itab­la ang iskor sa 61-all sa ikaapat na quarter sa tres ni Jojo Duncil 5:47 ang oras. (MB)

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULL

JAMES YAP

JOJO DUNCIL

MAAGANG

MATAPOS

NANGUNA

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with