VIENTIANE, Laos – Buo ang tiwala at matinding determinasyon ang dala ng Philippine tennis sa kanilang pagsabak ngayon sa tennis event ng 25th Southeast Asian Games dito.
Ngayon pa lang tiwala ang mga opsiyal ng tennis na may magandang hinaharap ng star-studded team na papalo sa National Sports Complex tennis courts ngayong alas-9 umaga.
At isa sa sandatang pinanghahawakan ng team ay ang maaga nilang pagdating sa tahimik na bansang ito kung saan nakapagsimula din silang magpraktis ng mas maaga.
“We were the first (tennis) team to arrive here and we've been practicing since, so we are well-prepared and well-adjusted to the conditions here. Those could all work to our favor,” pahayag ni team manager Randy Villanueva.
Sasalang para sa kampanya ng tennis team si two-time individual winner Cecil Mamiit spearheads kasama sina Johnny Arcilla, Treat Conrad Huey at John Patrick Tierro sa mga lalaki. Habang sa kababaihan at ang nagbabalik na si Maricris Fernandez-Gentz.
Ikalawa sa ranggo ang Filipino teams sa likod ng top seed Thailand, bagamat kung babasehan ang Davis Cup rankings mas nauuna ang mga Pinoy.
Bukod sa pagsalang ng mga pambato ng Thailand na sina Danai Udomchoke at Tamarine Tanasugam, kinokonsidera ding banta sa daan ng mga Pinoy ang Indonesians. (DMVillena)