^

PSN Palaro

Ateneo vs FEU sa Game 1 ng PCCL Finals

-

MANILA, Philippines -  Itutuloy ang naunsyaming sagupaan para sa UAAP title showdown, maghaharap ang Ateneo Blue Eagles at Far Eastern University upang pag-initin ang pagnanasang maghari sa Philippine Collegiate Champions League sa Ynares Sports Center, Pasig City.

Binalanse ang atake para sustinihan ang pagkawala ni reigning UAAP finals MVP Rabeh Al-Hussaini, tinapakan ng Eagles ang San Beda Lions na nangungulila kay Sudan Daniel, 81-69, upang iusad ang koponan sa best-of-three championship duel kontra Tams.

Kumolekta sina Chris Sumalinog, Jai Reyes at Eric Salamat ng tig 14 points habang gumawa rin sina Ryan Buenafe at Noy Baclao ng 13 at 11 points, ayon sa pagkakasunod para sa nakalipas na laban.Nangangailangan naman ang Morayta-based cagers ng karagdagang pwersa at lakas mula kay rookie guard RR Garcia na bumulusok nang paamuhin ang NCAA titlist San Sebastian Stags 86-83 panalo sa pamamagitan ng pukpukang labanan na humantong pa sa overtime period.

Naantala ang labanan para sa dominasyon ng liga, nasingitan ng University of the East ang FEU, su­balit nanaig pa rin ang tayog ng lipad ng Blue Eagles sa huli ang tinanghal na kampeon.

Muling maghaharap ang Ateneo at FEU upang magkasukatan ng tunay na husay at talas ng diskarte upang angkinin ang tagumpay.

Samantala, muling ma­sasaksihan ang tindi ng pagkakaribal ng San Sebastian at San Beda ppara sa 3rd place sa ganap na alas-2 ng hapon. (Sarie Nerine Francisco)

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

CHRIS SUMALINOG

ERIC SALAMAT

FAR EASTERN UNIVERSITY

JAI REYES

NOY BACLAO

PASIG CITY

PHILIPPINE COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE

RABEH AL-HUSSAINI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with