Malaysia sumadsad sa RP Youth
MANILA, Philippines - Bahagyang iniangat ng Philippine Careline-Mighty Sports ang kanilang respeto matapos na igupo ang SEA Games rival na Malaysia, 65-54 at upuan ang ikapitong puwestong pagtatapos sa 1st Under-16 FIBA-Asia Basketball Girl’s Championship sa Pune, Malaysia.
Pinangunahan nina Daniva Jose, anak ni dating RP Youth star Bobby Jose, at Jonah Melendres ang kampanya ng koponan para sa impresibong panalo sa 12-teams tournament na ito.
At gaya ng inaasahan, dinomina ng China ang tournament sa pagsibak naman sa Korea.
Bumandera si Lore Rivera sa RP Team na suportado rin ng Basketbol ng Pilipinas at Freego Jeans sa kanyang tinapos na 14 puntos, habang nagdagdag naman si Jose ng 13 puntos at 10 rebounds.
- Latest
- Trending