^

PSN Palaro

Gregorio bumilib sa husay ni Yap, napiling PBA PoW

-

MANILA, Philippines - Binansagan bilang “Samboy Lim ng Visayas’, nagpa-kitang gilas na agad si Roger Yap sa lahat upang ipakilala ang sarili noong naglalaro pa ito sa University of San Jose Recoletos.

Hindi natinag sa pag-arangkada, lalong hinasa ng 32-anyos na manlalaro ng Purefoods Tender Juicy Hot­dogs ang kakayahan sa tulong ng tiwala ni coach Paul Ryan Gregorio na bilib sa tikas ng kanyang laro at tinuturing na isa mga maasahan pagdating sa depensa. Subalit hindi lamang dito natuon ang kanyang husay nang magsalansan ito ng 21 points para itakas ang pa­nalo ng koponan kontra sa mapanganib na Barangay Ginebra, 89-81.

Bunga ng pagpupursige, nalampasan ng TJ Hotdogs ang hamon ng Gin Kings at naitala ang ikatlong sunod na panalo para tumabla sa de­­­fending champion Talk N Text at Ginebra na may 7-4 kartada.

Bilang parangal, napisil ng PBA Press Corps si Yap na tanghaling Accel-KFC Pla­yer of the Week para sa Nobyembre 30 - Disyembre 6. Sa pangkaraniwan, nag­lista si Yap ng 16 points, 4 rebounds, 4 assists, 1 steal, 0.5 blocked shot at 3.5 errors sa loob ng 23.5 mi­nutong nilaro niya sa da­lawang laban.

“He’s been a fighter all his life. He’s been the most con­sistent defender among our guards. That’s already a given,” pahayag ni Gregorio.    Bukod sa naiambag na puntos, naging pangunahing ar­mas ito ng Hotdogs upang harangin ang opensa ng Gin Kings na pinangungunahan nina Enrico Villanueva at Rich Alvarez. (SNF)

BARANGAY GINEBRA

ENRICO VILLANUEVA

GIN KINGS

PAUL RYAN GREGORIO

PRESS CORPS

PUREFOODS TENDER JUICY HOT

RICH ALVAREZ

ROGER YAP

SAMBOY LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with