RP polo team naka-silver
VIENTIANE--Nasungkit ng Philippines ang kanilang unang medalya sa 25th Southeast Asian Games--ang silver medal finish ng Philippine water polo team sa pagsasara ng one-round competitions kahapon sa Vientiane, Laos dito.
Ginapi ng Filipinos ang Indonesia,13-8 sa kanilang ikatlong laro sa maliit na apat na bansang nalalaban-laban sa nasabing kompetisyon upang pumangalawa sa likod ng walang talong Singapore, na banderahan ng European team na siyang nagdomina sa nasabing event sa huling 22-taon.
Winalis ng Singaporeans ang four-team field matapos na talunin naman ang Thailand, 8-5 para sa kanilang ika-15th championship sa Laos PDR’s National Sports Complex.
Base sa rules, ang Thailand at Indonesia ay kapwa nakakuha ng bronze medals dahil sa apat lang na bansa ang naglaban sa event na ito matapos na mag-withdraw ang Vietnam.
“We are very happy that the loss to Singapore yesterday did not devastate our guys,” ani swimming association head Mark Joseph. “This should serve as a big boost to our swimmers and divers,” dagdag pa ni Joseph.
Ayon pa kay Joseph target ng swimming team ang hindi bababa sa 7 ginto.
Samantala, darating ngayon ang 10-miyembro ng RP golf team mula Manila upang kumpletuhin ang lista-han ng mga atletang sasabak sa 22 sports disciplines.
RP POLO TEAM NAKA-SILVER

- Latest
- Trending