^

PSN Palaro

RoS silat sa BK

-

MANILA, Philippines - Bumangon ang Burger King sa 13-point de­ficit at sumandal sa ka­bayanihan ni Gary Da­vid na umiskor ng pam­panalong free-throws tungo sa 101-99 tagumpay sa pag-usad ng KFC PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Tabla ang iskor sa 99-all nang makakuha ng foul si David mula kay Arana, 3.1 segundo ang nalalabing oras sa laro at kampante niyan ipinasok ang free-throws pa­ra ilagay sa unahan ang Burger King.

Sinikap na isalba ng Rain Or Shine ang pa­nalo ngunit nasupalpal ni Buenafe si Jeff Chan sa huling play.

Nakabangon mula salawang sunod na talo ang Burger King kahit na hindi na nila kasama sa second half si coach Yeng Guiao na na-eject sa ikalawang quarter, pa­ra umangat sa 4-7 kartada.

“We just employed the same system from coach Yeng, the plays, the systems is coach-yeng’s,” pahayag ni as­sistant coach Junel Ba­culi na siyang nagman­do ng team nang mawala si Guiao na hindi na rin pu-masok ng press room para sa post-game interview.

“Hopefully we can make up a string of wins because were in the bottom, to catch up in the quarterfinals.”

Nasira naman ang two game winning streak ng Rain Or Shine matapos malasap ang ikawalong talo. Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaro pa ang Purefoods (6-4) at Ginebra (7-3).

ARANA

ARANETA

BURGER KING

GARY DA

JEFF CHAN

JUNEL BA

PHILIPPINE CUP

RAIN OR SHINE

SHY

YENG GUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with