Jr. NBA Philippines basketball clinic
MANILA, Philippines - Nagsimula na ang Jr. NBA Philippines program na ipiniprisinta ng Hi-Smart Multi vitamins sa pamamagitan ng NBA Cares basketball clinic sa Marikina Heights Gym.
Ang pagsusumikap ng Jr. NBA na ipakilala ito sa bansa noong 2007 ay lumago na mula sa 16 paaralan noong unang taon hanggang sa 200 paaralan noong nakaraang taon.
Ang tip-off ceremony ngayon, kung saan dinaluhan ni Marikina Mayor Marides Fernando sa basketball court na ipinaayos ng NBA Cares program.
Napili sina PBA Legends Ronnie Magsanoc at Paul Ryan Gregorio bilang coach na mangangasiwa ng may 50 underprivileged students ng iba’t ibang pampublikong paaralan sa Marikina na lalo sa lugar na sinalanta ng Bagyong Ondoy sa basketball clinic.
Ang programa ay dadalhin din sa National Capital Region, Visayas at Davao at aabot ng 300 paaralan kung saan may 30,000 estudiyante, magulang at coaches ang magbebenepisyo. Simula ngayon, maaari na ring magparehistro ang mga batang Pinoy na may edad 12 hanggang 14 anyos para sa programa ng libre sa pamamagitan ng Jr. NBA event website www.nba.com/jrnba/philippines.
- Latest
- Trending