Alcantara kampeon sa Week 2

MANILA, Philippines - Ipinakita ang husay ng isang Filipino, pinayuko ni Francis Casey Alcantara si Joroen Vanneste ng Belgium para ma-sweep ang Week 1 at 2 ng Phinma In­­­ter­national Juniors Week 2 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ito ang ikalawang titulo ng 17 anyos na si Alcantara sa gayundin karaming linggo matapos maisukbit ang ko­rona sa Week 1 at Week 2 noong nakaraang taon sa torneong hatid ng Phinma Group of Companies.

Ang tagumpay ay ikatlo din ni Alcantara matapos ma­­ging bahagi ng Grand Sl­am Australian Juniors Open doubles title noong na­­karaang taon.

“Ang sarap ng pakiramdam sa pagwawagi ng dalawang sunod na titulo para sa mga kababayan,” ani Al­cantara.

Nagbigay din ng 40 ITF points ang tagumpay na ito at mapaganda ang rankings sa 56th sa mundo bago mag­tapos ang taon.

Magbibigay din ng momentum ito para sa Pinoy sa kanyang pagsabak sa Aus­tralian Juniors Open sa Enero sa susunod na taon.

Sa kababaihan, buma­ngon sa pagkakalugmok si C­hi­nese fourth seed Tian Ran upang pabagsakin ang kababayang top seed na si Zhu Lin, 6-0, 2-6, 6-4 para iputong ang korona. (SNFrancisco)

Show comments