MANILA, Philippines - Hangad ang kanyang ikalawang world boxing crown, sasagupain ni Fil-Am Ana “The Hurricane” Julaton si American Donna Biggers ngayon sa HP Pavilion sa San Jose, California.
Kasalukuyang tangan ni Julaton ang International Boxing Association (IBA) super bantamweight title, samantalang dala naman ni Biggers ang World Boxing Organization (WBO) belt.
Tinalo ni Julaton, nakasabay ni Manny Pacquiao sa sparring sa Wild Card Boxing gym ni Freddie Roach, si Kelsey Jeffries via majority decision para angkinin ang IBA crown noong Setyembre.
“I know she’s tough and she’s been in the business for awhile. She has fought top opposition, and she’s experienced,” ani Julaton kay Biggers. “I expect a fight and I expect to show some fireworks for the fans. I want to showcase how great female boxing is in this fight.”
Ang ilang bahagi ng kikitain sa nasabing laban ay mapupunta sa mga naging biktima ng mga bagyong si “Ondoy” at “Pepeng” sa Pilipinas, ayon kay Julaton.
Hinggil naman sa pinaplantsang laban ni Pacquiao kay Floyd Mayweather, Jr., kumpiyansa si Julaton na si “Pacman” ang mananalo kay “Pretty Boy”.
“I am routing for Manny all the way. There are so many people talking about Manny and the distractions, but the thing is, Manny is so talented he’s able to do more than just one thing at once. Floyd is a great fighter, but Manny is a phenomenal fighter,” ani Julaton.
Balak ni Julaton na panoorin ng personal ang laban ni Pacquiao kay Mayweather kung ito ay matutuloy sa susunod na taon. (Russell Cadayona)