^

PSN Palaro

Alcantara umusad sa semis; Patrimonio nabigo

-

MANILA, Philippines - Nananatili ng may tsansa si Francis Casey Alcantara sa back-to-back title bid, matapos ang 6-4, 6-0 panalo kay Soichiro Moritani ng Japan para makarating sa semifinal round ng Phinma International Juniors Week 2 sa Rizal Memorial Tennis Center kahapon.

Ang 17-anyos na Filipino netter, tumalo kay Yoshihito Nishioka ng Japan, 7-5, 6-0, para makopo ang Week 1 crown noong Linggo ay nag-struggled sa kanyang service sa kaagahan ng laro kung saan may apat itong double faults habang nagtala si Moritani ng dalawang aces nang maitabla ng Japanese ang iskor sa 3-all.

Ngunit nakabawi ang Cagayan de Oro native para kunin ang seventh, eighth at 10th games at sunud-sunod na ang error ng kalaban tungo sa panalo ni Alcantara sa event na sponsored ng Phinma Group of Companies.

Ngunit habang patuloy ang magandang kapalaran ni Alcantara, doubles winner sa Australian Juniors Open, naubos naman ang suwerte ni Anna Clarice Patrimonio na lumasap ng 2-6, 0-6 pagkatalo kay Chinese fourth seed Ran Tian, na komopo ng girls diadem matapos ang 6-2, 7-6 (2) panalo kay Belgian Justine de Sutter sa ITF Grade 4 tournament,.

Nakapanghihinayang ang pagkatalo ni Patrimonio matapos talunin ang mga higher ranked rivals na sina Nattawadee Kotcha ng Thailand, 2-6, 6-1, 6-2, at fifth seed Rana Sherif Ahmed ng Egypt, 6-1, 76 (3), para isaayos ang laban kay Tian.

ANNA CLARICE PATRIMONIO

AUSTRALIAN JUNIORS OPEN

BELGIAN JUSTINE

FRANCIS CASEY ALCANTARA

NATTAWADEE KOTCHA

NGUNIT

PHINMA GROUP OF COMPANIES

PHINMA INTERNATIONAL JUNIORS WEEK

RAN TIAN

RANA SHERIF AHMED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with