^

PSN Palaro

Tanchangco ayaw magbigay ng prediksiyon

-

MANILA, Philippines - Ayaw niyang magbigay ng sariling prediksyon, ngunit tiniyak naman ni Chef De Mission Mario Tanchangco na isa ang Team Philippines sa tatlong bansang mag-aagawan para sa overall crown ng 25th Southeast Asian Games.

Ito ang inihayag kahapon ni Tanchangco sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey's sa U.N. Avenue, Manila.

"It's a fight among Thailand, Vietnam and the Philippines. The others have chances but for the plum it's a fight among these three nations," wika ng pangulo ng sepak takraw association.

Noong 2005 Philippine SEA Games, tinanghal na overall champion ang mga Filipino athletes sa nakolektang 112 gold medals bago magtapos bilang sixth-placer sa Thailand noong 2007 sa naiuwing 42 gold medals.

Sinabi ni Tanchangco na hindi siya magbibigay ng prediksyon kaugnay sa bilang ng gintong medalyang maaaring makuha ng bansa sa 2009 Laos SEA Games.

"It's hard to predict the number of medals. But we have a very strong chance here before the bulk of our athletes are at least silver medalists of the 2007 SEA Games in Thailand," ani Tanchangco.

Kabuuang 251 national athletes ang isasabak ng bansa sa nasabing biennial event na nakatakda sa Disyembre 9-18.

Ang 153 rito ay suportado ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping, samantalang ang 98 ay idinagdag at popondohan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr.

Sa kabuuang 28 sports events na naglalatag ng 353 gold medal sa 2009 Laos SEA Games, lalahok ang mga Pinoy sa 24 events, dagdag ni Tanchangco.

Ang mga koponan ng water polo, judo at athletics ang unang magtutungo sa Laos, habang ang bulto naman 386 ay susunod sa Linggo sakay ng isang chartered Philippine Airlines flight. (Russell Cadayona)

CHEF DE MISSION MARIO TANCHANGCO

HARRY ANGPING

PHILIPPINE AIRLINES

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TANCHANGCO

TEAM PHILIPPINES

VIETNAM AND THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with