So at Russian GM nag-draw
KHANTY-Mansiysk, Russia -- Ginawa ang lahat ng kakayahan para maipuslit ang panalo, nakuntento na lamang sa pakikipagdraw si Pinoy GM Wesley So kay GM Vladimir Malakhov ng Russia sa kanilang opener ng two-game, round -of-16 showdown sa 2009 World Chess Cup sa Khanty-Mansiysk Center of Arts dito.
Gayunpaman, pinakaba muna ni So ang 22nd ranked na si Malakhov sa engkuwentro sa posisyon bago makipag-draw matapos ang 65 moves ng Slav.
Hawak ng 16 anyos na Pinoy champion, na naghahangad na makabilang sa kanyang biktima si Malakhov, kasunod nina GM Guseinov ng Azerbaijan, GM Vassily Ivanchuk ng Ukraine at defending champion GM Gata Kamsky ng US, ang magandang posisyon ngunit nabigong mailista ang panalo sa mahusay na depensang iginawad ni Malakhov.
Bago magkasundo sa draw, nagpalitan muna ng piyesa sa board sina So at Malakhov--isang knight at apat na pawns-- at naiwan ang kanilang king at isang rook.
Ang magwawagi sa pagitan nina So at Malakhov ay haharapin naman ang mananaig sa pagitan nina GM Peter Svidler ng Russia at last year’s World Cup runner-up GM Alexei Shirov ng Spain sa quarterfinal round.
Si Svidler, ikatlong pinakamataas na player na may ELO 2,754 ay nanaig kay Shirov at tanghaling isa sa dalawang winner ng elite round-of-16.
Ang dramatikong 5-3 panalo ni Svidler kay GM Arkadij Nai-ditsch ng Germany, ay puno ng superhuman at tila computer-like moves para mapigil ang agresibo at decisive attack ni Shirov.
- Latest
- Trending