Isang Linggo na lang at magbubukas na ang 25th Southeast Asian Games sa Laos.
Pero hanggang ngayon parang nangangapa sa dilim ang ilang atleta kung makakarating ba sila sa Laos para sa kompetensiya o wala lang.
Nakakasiguro na ang 153 na makakarating at makakalahok dahil yun lamang ang mapopondohan ng Philippine Sports Commission. May karagdagang lagpas sa 90 ang sinasabing poponduhan ng Philippine Olympic Committe o hahanapan ng isponsor.
Sa ngayon nangangamba ang ilan sa kasamang atleta sa dagdag na hindi sila makakasabak sa SEAG.
Doon sa dagdag sino ba ang dapat magpondo sa kanilang kompetisyon sa SEAG?
Nagtatanong lang po!
* * *
May balita pa ako na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw naibo-book ang mga atleta. Ibig sabihin hindi pa alam kung kailan ang alis nila patungong Laos.
Sus ang hirap kaya magpabook lalo na ngayong isang linggo na lang bago ang pagsambulat ng biennial event na sa kauna-unahang pagkakataon ay ihohost ng Laos.
Tiyak na magulo ang SEA Games ngayon.
Di nga ba’t 27 lang o 29 events lang ang magaganap dahil nga sa kakulangan ng pasilidad ng host country.
Wala ang basketball, ang paboritong sports ng Pilipinas kung saan swak na swak na sa gintong medalya kahit na sinong team pa ata ang ipadala.
Sayang naman, pero ganun talaga.
Kung walang basketball, may mga events naman na idinagdag na pinili ng Laos bilang host country.
Okay, fine kung walang basketball.
Pero ano kayang sports yung shuttlecock?
Kasi nung tinitingnan ko sa website nila parang sepak takraw lang siya na sa bola nagkaiba. Yun nga bola ang pinagkaiba. Sa sepak gamit bilog na bola habang sa shuttlecock naman ay yung shuttlecock na tulad ng sa badminton. Yun na nga!
Okay pagbigyan sila ang host.
Pero ang masamang balita, hindi pa daw gawa ang athlete’s village na titirhan ng mga atleta.
Hala, kawawa naman ang mga atleta.