Tayabas boxers nagpakitang-gilas
TAYABAS, Quezon , Philippines --Ipinakita ng Tayabas ang kanilang pangako bilang pangunahing producer ng bansa sa mga de-kalidad na boxers ng hakutin ng isa nilang team ang karamihan ng medalya sa pagtatapos ng Smart-ABAP Luzon Amateur Boxing Championships dito.
Tumabla ang Tayabas -A na nagwagi ng anim na ginto sa palagiang contender na Puerto Princesa B. Gayunpaman, mas maraming silvers ang Tayabas isang tagumpay na nagbigay sa kanila ng signipikanteng pinagmumulan ng mga boxing talents.
Ang inaasahang Finals bout noong Linggo ng gabi ay nagbigay sa Tayabas ng sapat na dahilan upang angkinin ang bahagi ng national awareness nang umiskor ng impresibong first round Referee-Stopped-Contest ang 51 kg. fighter na si Neco Magliquian kay Dave Aselo ng Puerto Princesa.
Hindi naman nakakalayo ang Bicol-A sa pagsungkit ng medal-ya nang humakot ito ng limang ginto, na ang pinakamaningning ay galing sa 14-12 panalo ni Jomaric Deliarte kay local boy Mark Anthony Rago.
Tumabla din ang Baguio City sa Puerto Princesa-B na may tig-apat na gintong medalya sa huling laban ng gabi.
Pinigil ng batang babaeng fighter na si Noeme Tacda, na ngayon lamang lumaban, ang pananalasa ni Rose Magbanua ng Puerto Princesa B.
Ang susunod na torneo ang National Championships ay gaganapin sa Enero 25-29, 2010 sa Puerto Princesa, Palawan.
- Latest
- Trending