Kamsky biniktima ni So
KHANTY-Mansiysk, Russia, Philippines -- Idinagdag ni GM Wesley So ng Philippines sa kanyang mga biktima ang defending champion na si GM Gata Kamsky ng Amerika upang iposte ang 1.5-.5 panalo sa kanilang krusyal na third-round na labanan sa 2009 World Chess Cup sa Khanty-Mansiysk Center of Arts nitong Sabado ng gabi dito.
Naiwasan ng 16-anyos na si So, nagtakas rin ng nakakagulat na 1.5-.5 na upset na panalo laban sa dating world championship finalist GM na si Vassily Ivanchuck sa second round, hawak ang mga puting piyesa ang anumang banta at tinapos nito si Kamsky sa pamamagitan ng draw sa 42 moves ng Dutch Defense.
Hawak ng multi-awarded Filipino champion, na inaasahang makukuha ngayong taon ang super GM ELO 2700 mark, ang bentahe sa kanyang rook at bishop nang tanggapin ni Kamsky ang alok niyang paghahatian ng puntos.
At ng ang laro ay mauuwi na sa draw, sina So at Kamsky ay kapwa mayroong rook, bishop at apat na pawns na nalalabi.
Sinorpresa ni So si Kamsky sa opening ng kanilang two-game third round showdown nitong Biyernes na naghatid sa kanya na umusad sa 16-player fourth round laban naman sa mananalo sa pagitan nina GMs Pavel Eljanov ng Ukraine at Vladimir Malakhov ng Russia.
Hinangaan ni Kamsky, natalo kay GM Anatoly Karpov sa 1997 World Championship, na karapat-dapat ang panalo ni So.
"It is clear that my opponent (So) was better prepared. I was thinking that I could win against this player with my experience. But sadly, my opponent was not that easy to beat, as I was expecting. He turned out to be a very serious player," wika ni Kamsky, na lumaro sa top board para sa Amerika sa World Chess Olympiad sa Turin noong 2006 at sa Dresden noong 2008.
- Latest
- Trending