MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng ikalawang round ng eliminations, patuloy pa rin sa panana-lasa ang mainit na team na San Miguel Beer na huma-tak ng kanilang ikawalong sunod na panalo, 100-85 sa pagdako ng PBA Philippine Cup sa Ynares Arena sa Pasig City kagabi.
Bagamat naunahan ang Beermen sa kaagahan ng laro, bumangon ang San Miguel mula sa 9-point deficit at inagaw ang liderato na hindi na nila binitawan tungo sa kanilang pagsulong sa 8-2 record upang manatiling nakatanaw sa nangungunang Alaska.
Habang sinusulat ang balitang ito, nakikipaglaban ang Aces(8-2) sa Barako Bull (2-7) at kung mabibigo ang Aces ay makikisosyo na sa liderato ang Beermen.
Nagbida sa Beermen si Arwind Santos na tumapos ng 27-puntos bukod pa sa anim na blocks at 12-rebounds katulong si Lordy Tugade na may 20-puntos upang muling igupo ang Burger King na una nilang tinalo noong Oct. 21, 117-99 kung saan si Santos din ang top scorer.
Ang naturang panalo ng Beermen sa Whoppers sa kanilang unang pagkikita ay ang unang panalo ng San Miguel sa kumperensiya matapos magsimula ng 0-2 at ngayon ang kani-lang longest winning streak ay pumantay sa kanilang 8-0 start noong nakaraang Fiesta Conference.
Matapos agawin ang trangko sa kaagahan ng halftime 45-44, hindi na lumingon pa ang Beermen at umabante ng hanggang 20-puntos sa ikaapat na quarter.
Tinapos ni Olsen Racela ang 19-4 run ng kanyang triple para sa 91-71 kalamangan ng Beermen sa ikaapat na quarter may 2:56 na oras na lamang ang nalalabi.
SMBeer 100 -- Santos 27, Tugade 20, Miranda 14, Racela 12, Villanueva 11, Peña 7, Hontiveros 5, Pennisi 3, Eman 1, Cortez 0, Calaguio 0.
Burger King 85 – R. Yee 14, Sharma 12, M. Yee 11, Matias 10, Belga 8, Lanete 8, Buenafe 8, David 6, Williams 4, Quinahan 4.
Quarterscores: 18-22; 45-44; 72-67; 100-85.