^

PSN Palaro

Castillo, Alcala umabante sa semis

-

MANILA, Philippines - Kanya- kanyang banat, napuntirya ng Allied Victor- PCOME mainstays na sina Gelita Castillo at Malvinne Alcala ang panalo upang umabante sa semifinal division ng Ming Ramos Youth Cup Victor Age Group Badminton Championships 2009 na ginanap sa Rizal Memorial Complex badminton hall kahapon.

Tulad ng pagdomina kay Kimberly Gatpolintan sa second round, winalis rin ng top seeded na si Castillo si Pia Fabros sa pamamagitan ng kanyang power game upang ipos-te ang 21-7, 21-6 upang isaayos ang semis duel kontra fourth-ranked Anna Barredo para sa girls U-17 division ng event na hatid ng Victor-PCOME.

Buo ang loob, hu-mampas para sa panalo si Barredo para patalsikin si Ingrid Obnial, 21-7, 21-9, habang mag-aagawan naman sina Nikki Servando at Cassandra Lim sa isa pang pwesto sa finals ng isa pang bracket.

Gayundin, matagum-pay na nasustinihan ni Barredo, kasapi ng Trace-Whackers, ang lakas upang humakbang sa susunod na round ng U-19 division, nang durugin si Reina Villacillo, 21-6, 21-3, para itakda ang engkwentro kay third seed Danica Bolos.

Humirit rin si Servando nang ungusan si Pauline Tan, 21-19, 23-21, para isunod si top seeded Alcala sa kanyang mga biktima.

Samantala, nanguna sa quarterfinals sina Alcala at Castilo ng U-19 girls doubles kasama ang iba pang pares nina Flo Lamigo-Terence Pomar; Rhea Dagal-Yasmin Ignacio; Rachelle Almendras-Jackie Keyser; Mae Dilao-Marie Villacillo; Ellaine Malelang-Pauline Tan; Queen Francisco-Dessa Lim; at Danica Bolos-Gelli Ramos. (SNFrancisco)

ALCALA

ALLIED VICTOR

ANNA BARREDO

BARREDO

CASSANDRA LIM

DANICA BOLOS

DANICA BOLOS-GELLI RAMOS

ELLAINE MALELANG-PAULINE TAN

FLO LAMIGO-TERENCE POMAR

GELITA CASTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with