UST lumapit sa pagsungkit ng titulo
MANILA, Philippines - Lubos na pinaghandaan, sinalakay ng University of Santo Tomas ang kampo ng Adamson University sa pamamagitan ng maigting na depensa upang iposte ang 25-15, 19-25, 25-22, 25-21 at lumapit sa ikalawang sunod na titulo ng Shakey’s V-League Season 6 sa The Arena, San Juan City kagabi.
Pinamahalaan ang opensa, nagsanib pwersa sina Angeli Tabaquero at rookie Maru Banaticla sa pagtipa ng 21 hits habang nagbigay rin ng 11 blocks sina skipper Aiza Maizo at Maika Ortiz para sa pagrol-yo ng best-of-three series.
Tulad sa nakaraang kumperensya, nais ulitin ng UST ang pamamayani nito ng sungkitin ang panalo sa sudden death match kontra San Sebastian sa unang torneong hatid ng Shakey’s Pizza.
Pumalo sina Tabaquero at Maizo ng tig 14 points habang nag-ambag rin sina Ortiz at Banaticla ng 12 at 11 hits, ayon sa pagkakasunod, para sa Tigresses na bumangon mula sa second set loss nito.
Bagamat natalo, binuhos ni Adamson team captain Angela Benting ang kanyang husay nang magbigay ito ng 16 hits at 14 points kontribusyon na dinagdagan pa ng 10 points ni Paulina Soriano.
Sa inisyal na laro, sinuwag ng Far Eastern U ang San Sebastian para kubrahin ang 2-0 set lead na pinainit pa ng isulong ang deciding frame para tapusin sa 25-22,25-13, 20-25, 12-25, 15-13 panalo.
Tumipa si guest player Rachel Anne Daquis ng 29 hits, 6 blocks, habang kumolekta rin sina Cherry Vivas, Monique Tiangco at Shaira Gonzalez ng 18, 11 at 10 points para sa natu-rang pamamayani.
Para sa SSC, nanguna si Jinni Mondejar ng 20 points at 19 points ambag kay Joy Benito, subalit hindi pa rin ito sumapat sa kabila ng tig-11 points iskor nina Melissa Mirasol at Dafna Robinos. (SNFrancisco)
- Latest
- Trending