^

PSN Palaro

Webmasters lugmok sa Warriors

-

MANILA, Philippines - Buong sipag na kumayod, nagtala ng nakakamanghang triple double ang guard na si Paul Lee ng University of the East upang ikopo ang University of Cebu Webmasters, 105-86, para sa pagpapatuloy ng Philippine Collegiate Champions League sa The Arena, San Juan City kahapon.

Kumolekta ng 31 points, 11 rebounds at 11 assists, naprotektahan ni Lee ang reputasyon ng kanyang grupo at isulong ang Red Warriors sa quarterfinals ng torneong nagtatampok sa mga bigating koponan na magbibigay ng P500,000 na papremyo sa tatanghaling kampeon.

Tumulong sa pagdomina, nagbigay si Pari Llagas ng 17 points at 5 rebounds habang nagdagdag rin si Elmer Espiritu ng 14 points at 3 assists para sa Warriors na makakatapat ng FEU Tamaraws.

Dahil sa pansamantalang pagkawala ni head coach Lawrence Chongson, matagumpay na namanipula si Rene Baena ang laban upang pumabor sa kanila at iposte ang run and gun game laban sa Webmasters sa pamamagitan ng 15 points, 21-6, mula sa fastbreak points.

Pinakita ang tunay na kaman-dag, pinaluhod ng Mapua ang University of Visayas, 76-73 sa pisikal na labang natunghayan kahapon.

Dikdikan ang laban, humugot ng kalamangan ang Cardinals mula sa three point play ni Mark Sarangay na sinundan pa ng pagsugod ni Perry Guillermo kontra Greg Slaughter at UV teammates nito para sa event na suportado ng PLDT, Smart, ABS-CBN, The Philippine STAR at Molten.

Tumapos si Slaughter ng 22 points, 15 rebounds at four blocks, na napunta lamang sa wala.

Bunga ng natamong panalo, umabante na rin ang Mapua sa Elite Eight at makakalaban ang San Beda College.

Ang huling araw ng Sweet Sixteen ay paiinitin ng engkwentro sa pagitan ng Santo Tomas at Jose Rizal U. (Sarie Nerine Francisco

ELITE EIGHT

ELMER ESPIRITU

GREG SLAUGHTER

JOSE RIZAL U

LAWRENCE CHONGSON

MAPUA

MARK SARANGAY

PARI LLAGAS

PAUL LEE

PERRY GUILLERMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with