Barredo, Bolos umariba agad

MANILA, Philippines - Inumpisahan ng malalakas na palo, pumarada ang second seed na si Anna Patricia Barredo at third ranked Danica Bolos nang angkinin ang straight-set panalo sa magkahiwalay na laban upang umusad sa quarterfinal round ng girls’ U-19 division ng Ming Ramos Youth Cup Victor Age Group Badminton Championships 2009 na ginanap kahapon sa Club 650, Libis, Quezon City.

Kinatawan ng Trace-Whackers, winalis ni Barredo si Alyssa Samaniego ng Allied-Victor PCOME, 21-11, 21-6, habang ni-lampaso naman ni Bolos, si Kimberly Gatpolintan ng JLTC/Battledore sa loob ng 16 matches.

Ginulat rin ni Servando ang lahat nang durugin sa pamamagitan ng kanyang mga atake si second seed Abigail Garcia, at itala ang 21-13, 21-10, upang ma-nguna sa quarterfinals ng girls’ U-17 division,

Subok ang diskarte, naungusan ni top seed at national team mainstay Gelita Castilo si Gatpolintan, 21-9, 21-14, upang isaayos ang quarters kontra Pia Fabros na siyang namahiya kay Joy Fernandez, 22-24, 21-18, 21-16; habang ang fourth seeded na si Barredo ay tuluyan nang binasag ang karera ni Ingrid Obnial, 21-7, 21-9, upang itakda ang pakikipagtipan kay Samaniego.   (Sarie Nerine Francisco)

Show comments