ATLANTA--Inagaw ng Orlando Magic ang pangunguna sa Atlanta Hawks sa NBA Eastern Conference matapos na iposte ang 93-76 panalo nitong Huwebes.
Nagtala si Dwight Howard ng 22 puntos at 17 rebounds at nagdagdag naman si Vince Carter ng 21 puntos para sa Magic at ilista ang kanilang ikaanim na panalo matapos ang pitong laro.
Nauwi sa wala ang tsansa ng Atlanta na makatabla sa Phoenix para sa NBA's best record nang bumagsak sa 11-4. Pumalso rin ang kanilang tsansa na mapaganda ang 8-0 record sa kanilang balwarte sa unang pagkakataon sa season na ito.
Nagmarka si Joe Johnson ng 22 puntos para sa Hawks, na ngayon ay naghahabol sa Orlando ng kalahating laro para sa Eastern Conference at Southeast Division lead.
Sa Salt Lake City, umiskor si Carlos Boozer ng 28 puntos mula sa 12-for-14 shooting at tinalo ng Utah ang Chicago Bulls, 105-86.
Gumawa si Deron Williams ng 21 puntos at anim na assists para sa Jazz, habang nagposte naman si Boozer ng walong rebounds, limang assists at tatlong blocks.
Pinangunahan ni Luol Deng ang Bulls sa kanyang tinapos na 26 puntos at walong rebounds.