RP Youth Girls puntang India
MANILA, Philippines - Aalis ngayon ang Philippine-Careline Youth patungong India para humarap sa mabigat na pagsubok at determinado silang malusutan ito sa pagsabak sa 1st Under-16 FIBA Asia Basketball Championship sa Nov. 30 - Dec. 6 sa Pune, India.
Ang Nationals, sponsored ni Careline Inc. owner Dioceldo Sy at suportado ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, ay kasama sa Group A na kinabibilangan din ng China, Taiwan at host India. Kagrupo din ng Nationals sa 12-nation tournament ang Singa-pore at Hong Kong habang kabilang sa Group B ang Korea, Japan, Kazakhstan, Malaysia, Thailand at Sri Lanka.
Ang top two teams ng bawat grupo pagkatapos ng single-round elims ay uusad sa semis.
“It’s going to be a tough mission for us, but my girls are ready and confident to wage war against the best in the region,” sabi ni coach Patrick Aquino. “As long as we keep our game plan and discipline on the court, we always have a good chance.”
Ang team na suportado ng Mighty Sports, Freego Jeans at Biogenic, ay pangungunahan nina Jonah Melendres at 6-foot-1 Danica Jose – anak ni dating RP team star Bobby Jose.
“Melendres is a good shooter, so we’re banking much on her along with Piatos and Jose,” sabi ni Sy.
Ang iba pang miyembro ng team ay sina Kitkat Nitorreda, Trisha Piatos, Tara Araneta, Jackie Tanaman, Lore Rivera, Trish Dy, Ginny Pioquinto, Elrica Castro, Kai Javier at Cheskie Tantoco.
- Latest
- Trending