RP Youth bagsak sa China
JOHOR BAHRU, Malaysia-- Natapos ang pananalasa ng Nokia U-16 Team Pilipinas matapos yumukod sa China, 66-85, sa semifinals ng Fiba Asia U-16 Men’s Championship noong Huwebes ng gabi sa Bandaraya Stadium dito.
Matapos ang magandang panimula, hindi ito nasustinihan ng Nationals sa endgame na sanhi ng rematch kontra sa Iran para sa third place.
Natalo ang Iran sa Korea sa isa pang semifinal encounter, 81-82, na nagbigay sa East Asian rivals Korea at China na magsagupa para sa titlulo at kumatawan ng zone sa Fiba World U-17 Men’s Championship sa Hamburg, Germany sa susunod na taon.
Ang labanan para sa bronze medal ay nagsimula ng alas-6:00 kagabi kung saan ang mga Filipinos ay underdog matapos matalo sa 70-76 decision sa Iranians sa quarterfinals.
Huling nakakuha ang Philippines ng bronze medal sa Fiba-Asia-organized youth event noong 1992 ABC Youth Championship sa ilalim ni Ato Badolato. Ang pinakamasamang pagtatapos ng bansa sa torneong ito ay noong 2004 nang magtapos ang Basketball Association of the Philippines (BAP)-assembled junior squad bilang 13th overall.
Ngunit nang hawakan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pagbuo ng youth team, tumapos ang Team Pilipinas bilang seventh sa 2008 Fiba-Asia U-18 Men’s Championship sa Tehran, Iran, ang unang under-16 tournament ng Fiba-Asia.
“Qualifying in the semifinals is already a big achievement considering the toughness of this tournament,” sabi ni RP mentor Eric Altamirano, member ng 1986 youth squad kung saan kasama niya sina Allan Caidic, Jerry Codiñera at Alvin Patrimonio.”
China 85--Ju 18, Zhai 15, Wang 13, Guo 11, Zhu 9, Xu 8, Luo 7, Shi 4, Bi 0, Gao 0, Ding 0, Wei 0
Philippines 66--Teng 18, Ravena 17, Sara 13, Ferrer 6, Tolomia 4, Pessumal 4, Alolino 2, Romero 2, Pate 0, Bantayan 0, Javillonar 0.
Quarterscores:15-19, 36-32, 55-47, 85-66.
- Latest
- Trending